MANILA – Inalerto ng OFWs sa Middle East ang Philippine government na paghandaan na ang mas matindi panggulo sa Gitnang Silangan. Kaugnay ito ng nakatakdang paglusob ng US-Saudi-led coalition sa Syria.Ayon kay OFW leader John Monterona , dapat bumuo na ng plano ang gobyerno ng Pilipinas para sa evacuation at repatriation ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Middle East.Hindi aniya malayong maulit ang senaryo sa World War III kapag itinuloy ng Russia ang banta nitong pagtulong sa Syria oras na lusubin ito ng US at Saudi.Hinimok din ng ofws ang Pangulong Noynoy Aquino na alertuhin na ang Presidential Middle East Preparedness Committee (PMEPC). (DZXL 558 – Deogracias Marie D. de Guzman)
Facebook Comments