PH gov’t, inatasan ang mga embahada nito sa Egypt, Kenya na makipag-coordinate kasunod ng Ethiopian Airlines crash

Inatasan na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga embahada nito sa Egypt at Kenya na makipag-coordinate sa mga awtoridad sa Addis Ababa at Nairobi para malaman kung may Pilipinong kabilang sa 33 foreign nationalities na sakay ng bumagsak na Ethiopian Airlines Boeing 737.

Nabatid na kinumpirma ni Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed na ang nasabing eroplano ang bumagsak na ikinamatay ng lahat ng pasahero nito kabilang na ang nasa 157 na pasahero at walong crew members nito.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ethiopia.


Facebook Comments