
Nakatakdang mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga delegado mula sa Pilipinas at Japan na dumadalo sa ika-42 Annual Joint Meeting ng Economic Cooperation Committees ng dalawang bansa.
Alas-dos mamayang hapon ang nakatakdang pulong sa Malacañang kasama ang ilang gabinete.
Ang taunang joint meeting ay dadaluhan ng malalaking business at economic groups mula sa Pilipinas at Japan.
Layunin nitong palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya, kalakalan, at kooperasyon sa negosyo ng dalawang bansa.
Karaniwang tinatalakay sa pulong ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas at Japan, mga oportunidad sa investment, bagong sektor na maaaring pasukin ng negosyo, at mga hamon sa global economy na maaaring makaapekto sa bilateral trade.
Facebook Comments










