
Walang mintis ang opensa ng Philippine Taekwondo Team matapos itong mag-uwi ng 20 medals sa katatapos lang na Asian Junior & Cadet Taekwondo Championships sa Kuching, Malaysia.
Bida sa kampanya si Dondy Santillan Jr. na double-gold medalist, habang nagpakitang-gilas din sina Jaynazh Angelo Jamias, Clint Harron Magracia, at Xian Gabriel Gamata na lahat ay nag-gold sa kani-kanilang weight division.
Matibay ang depensa at kontrolado ang laban ng mga pambato ng bansa na nagbunga ng sunod-sunod na podium finishes at medal wins.
Patunay ang performance na ito na lumalalim ang talent pool ng taekwondo sa Pilipinas at may asim ang susunod na henerasyon ng mga pambansang atleta.
Facebook Comments









