Nananatili pa ring ‘low risk’ ang COVID-19 classification ng Pilipinas kahit nagkakaroon ng pagtaas ng kaso sa ilang lugar sa harap ng banta ng Delta variant.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang average daily attack rate ay patuloy na bumababa nitong mga nagdaang linggo.
Pero sinabi ni Vergeire na may ilang rehiyon ang nakakaranas ng pagbaligtad ng case trend kabilang ang Metro Manila.
Bahagya ring tumaas ang daily new cases.
Bukod sa Delta variant, tumataas ang kaso dahil sa presensya ng Alpha, Beta, at Gamma variants.
Bagamat wala pang nakikita ang DOH na surge ng COVID-19 cases, pinaghahandaan na nila ito.
Facebook Comments