PH Navy, naniniwalang hindi ordinaryong aksidente lang ang nangyari sa Recto Bank

Kinondena ng pinuno ng Philippine Navy ang ginawang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Flag OIC Vice Admiral Robert Empedrad – paglabag sa patakaran sa paglalayag ang pagbangga Chinese vessel sa fishing boat ng mga Pinoy.

Pero aniya, higit na mas malaking paglabag sa patakarang pandagat ang ginawa nitong pag-abandona sa 22 crew na lulan ng lumubog na fishing boat.


Naniniwala naman si Empedrad na hindi ordinaryong aksidente lang ang nangyari taliwas sa naging pahayag ng foreign ministry ng China.

Nakapaghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.

Tiniyak naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa pakikipag-usap niya kay Panelo na iniimbestigahan na nila ang insidente.

Facebook Comments