PH Polo team, tinalo ng Brunei sa kanilang paghaharap sa SEA Games

Nabigo ang Philippine Polo Team na makuha ang panalo laban sa Brunei matapos talunin sa score na 8 – 8.5 sa SEA Games na ginanap sa Calatagan, Batangas.

Dito ay nagpasok ng 4 na puntos para sa Pilipinas si Gus Aguirre, 2 mula kay Santi Juban, habang tig-isa sina Ed Lopez at Tommy Bitong.

Samantala, ang penalty goal naman ni Prince Pengiran Mudan Bahar ang nagpanalo sa kanilang koponan.


Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Malaysia sa November 26.

Facebook Comments