PH Red Cross, hinikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na magpabakuna labna sa COVID-19.

Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, hindi na kailangang maging istupido dahil kailangang magpabakuna.

“Kailangan talaga, magpabakuna kayo. Bawal ang tanga,” sabi ni Gordon.


“Kung di kayo magpapabakuna, dun na lang kayo sa bahay habang buhay, ‘wag kayong lalabas,” dagdag pa ni Gordon.

Mahalagang magpabakuna para maiwasan ang pagkakaospital at kamatayan dahil sa sakit.

Maibibigay ding ng bakuna ang proteksyon laban sa sakit habang sinusunod pa rin ang health protocols.

“Kayo pag nabakunahan, mape-prevent ang infection, yung pagkalat ng disease, mape-prevent yung gastos sa ospital at exposure ng mga tao sa ospital, at kamatayan,” ani Gordon.

Binanggit ni Gordon na ilang mga bansang nagluwag na ng restrictions kasunod ng pagbabakuna ng halos ng kanilang populasyon.

Facebook Comments