Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na piliin ang saliva-based Reversed Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, ang saliva antigen at saliva antibody test ay posible lamang maglabas ng false negative results kumpara sa RT-PCR test.
Hinikayat ni Gordon ang lahat na iwasan ang mga rapid tests dahil hindi tiyak na kumpirmado ang lumabas na resulta.
Mahalagang kunin ay RT-PCR test para sigurado ang resulta at hindi nasasayang ang oras.
Mas mainam din na piliin ang saliva RT-PCR test dahil mababawasan nito ang risk na ma-expose at transmission ng virus sa healthcare workers.
Ang PRC ay nag-a-alok ng saliva RT-PCR test sa halagang ₱2,000 – halos kalahati ng presyo ng swab test.