PH Red Cross, nagagawa na ng halos kalahati ng kabuoang COVID-19 tests sa bansa

Halos kalahati ng kabuoang COVID-19 tests sa bansa ang nagagawa ng Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay PRC Chairperson at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon, aabot sa 33,800 tests ang naisagawa mula nitong April 2.

Nasa 44% ng test ay isinasagawa sa laboratoryo ng Red Cross.


Ang PRC ay nakapagsagawa na ng kabuoang 14,900 tests.

Iginiit ni Gordon na kailangang mapaigting ang COVID-19 testing para agad na ma-isolated, magamot ang mga infected at matunton ang kanilang contacts upang hindi na kumalat ang virus.

Alok ng PRC ang RT-PCR test at ang saliva test para sa mga mahihirap.

Facebook Comments