Mapipilitan muli ang Philippine Red Cross (PRC) na suspindehin ang COVID-19 testing nito kapag nabigo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang panibagong utang nito.
Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, umaabot na sa ₱762.8 million ang utang ng state health insurance sa humanitarian organization.
Umaasa si Gordon na maiiwasang sumampa sa isang bilyong piso ang utang ng PhilHealth sa PRC dahil kung hindi ay mapupuwersa silang ihinto ang testing.
Iginiit ni Gordon na kailangang mabayaran ng PhilHealth kahit kalahati ng utang nito.
Kailangan ng PRC ng pera para madagdagan ang mga supplies nito at mabigyan ng sahod ang mga manggagawa nito.
Aniya, hindi huminto ang PRC sa COVID-19 testing nito kahit noong holidays.
Inabisuhan na rin nila sina Health Secretary Francisco Duque III at Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil dito.