PH Red Cross nagpadala ng cadaver bags sa Jolo

Maliban sa pagpapadala ng staff at volunteers upang magbigay ng medical assistance sa Jolo, Sulu.

Nagbigay narin ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga cadaver bags.

Ang 50 cadaver bags ay itinurn over sa Professional Regulation Commission Sulu chapter kahapon upang bigyang dignidad ang pagkamatay ng mga biktima ng pagsabog.


Samantala sa ngayon umaabot na sa 151 blood units ang naipagkaloob ng Red Cross sa Sulu.

Ang mga ito ay ibinigay sa mga biktima na kasalukuyang naka-confine sa IPHO-Sulu Provincial Hospital, Camp Bautista Hospital, Ciudad Medical Zamboanga at sa Zamboanga Doctors Hospital.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Red Cross (PRC) sa International Committee of the Red Cross upang makapagbigay pa ng karagdagang tulong sa mga biktima ng kambal na pagsabog sa isang cathedral sa Jolo, Sulu.

Facebook Comments