Nilinaw ng Philippine Red Cross (PRC) na bilang isang humanitarian organization ay hindi sila magbebenta ng anumang bakuna, lalo na ang COVID-19 vaccines.
Ito ang nilinaw ng PCR matapos lumabas ang ilang ulat na magbebenta umano sila ng bakuna.
Sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) forum na ginanap kahapon, binanggit ni Gordon na maniningil sila ng ₱3,500 para mabawi ang nagastos nila sa pagbili ng bakuna mula sa Moderna.
Sinabi rin ni Gordon na nag-order sila ng 200,000 Moderna doses para makapagbakuna ng 100,000 tao.
Ayon kay PRC Governor Ma. Carissa Coscolluela, walang binanggit o inanunsyo si PRC Chairperson Senator Richard Gordon na magbebenta na ang Red Cross ng bakuna.
Binigyang diin lamang aniya ni Gordon na kailangang pabilisin ang pagbabakuna.
Paglilinaw ni Coscolluela na bumuli ang PRC ng Moderna COVID-19 vaccines para mabakunahan ang mga Red Cross members at donors.