Binatikos ng Philippine Red Cross (PRC) ang Health Technology Assessment Council (HTAC) ng Department of Health (DOH) dahil sa kabiguan nitong aprubahan sa lalong madaling panahon ang public use ng saliva-based RT-PCR test.
Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, dapat bilisan ng DOH na aksyunan ang kanilang request sa harap ng surge ng COVID-19 cases.
Mula pa noong Oktubre 2020, humihirit na ang PRC sa HTAC na aprubahan ang saliva test para magamit na ito ng publiko.
Umapela si Gordon sa mga kinauukulan na gamitin ang kanilang kokote na ibaba ang halaga ng saliva testing at palawakin at pabilisin ang serbisyo nito.
Sa ngayon, ang kasalukuyang PhilHealth benefits para sa swab COVID test package ay mula ₱901 hanggang ₱3,409.
Ang mga miyembro ng PhilHealth ay hindi pa nakikinabang sa saliva RT-PCR test dahil hindi pa ito kasama sa benefit package.