PH Red Cross, proud ka-partner ang RMN sa blood donation drive

38

Pinuri ng Philippine Red Cross (PRC) ang Radio Mindanao Network (RMN) sa walang patid na paghahatid ng maaasahang public service at tamang impormasyon sa publiko lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Ang RMN at PRC ay magkatuwang sa pagdugtong ng buhay ng mga taong nangangailangan.


Sa isang video message, sinabi ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon, trabaho ng PRC na magbigay ng magandang kinabukasan sa lahat at maiangat ang mga tao mula sa kahirapan – ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng dugo.

Isang malaking karangalan para sa PRC na maraming tao ang tumutulong lalo na ang mga organisasyon tulad ng RMN.

Nagpapasalamat din si Senator Gordon kay RMN President and Chairperson Eric Canoy, na matagal na niyang kaibigan sa patuloy na pagkalinga sa mga nangangailangan.

Punto pa ni Gordon, mahalaga ang pagbibigay ng dugo dahil makakapagsalba ito ng buhay.




Sa huli, sinabi ni Gordon na ipinagmamalaki niya na naka-partner ng PRC ang RMN bilang isang magiting at mahusay na himpilan na nagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.

Facebook Comments