Puspusan ang ginagawang pagtulong ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Usman.
Sa pananalasa nito napuruhan ang Bicol at Eastern Visayas Regions kung saan sumampa na sa 85 ang death toll dulot ng pagbaha at landslides.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon sa ngayon nakapagbigay na sila ng food items, hygiene kits at doxycycline sa 200 pamilya sa Albay.
Nakapag-distribute na rin sila ng water supply sa ilang residente ng Negros Occidental at Camarines Sur.
Habang nasa 6,365 stranded passengers naman ang nabigyan nila ng hot meals.
Samantala, nakapagbigay na rin ang PRC ng cadaver bag sa Albay at Camarines Sur.
Kaugnay nito, tiniyak ng Red Cross na magtutuloy-tuloy ang ginagawang pagtulong nila sa ating mga kababayan na nabiktima ng bagyong Usman.