Kasunod nang nararanasang krisis sa tubig.
Patuloy sa pag-ayuda ang Philippine Red Cross (PRC) sa ilang pampublikong ospital na limitado ngayon ang pagtanggap ng kanilang mga pasyente.
Sa pagtaya ng Red Cross nakapamahagi na sila ng kabuuang 770,000 liters ng tubig sa 6 na government hospitals.
498,000 liters sa Rizal Medical Center
96,000 liters sa Quirino Memorial Medical Center
114,000 liters sa National Kidney Center
10,000 liters sa East Avenue Medical Center
At 10,000 liters sa Mandaluyong City Medical Center at National Center for Mental Health
Nakapagrasyon na rin sila ng 12,000 liters ng tubig sa iba’t-ibang Philippine Health Offices at 10,000 liters sa mga residente ng Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.
Samantala maliban sa tubig nakapag-set up na rin ang PRC ng 5 portable toilets sa Rizal Medical Center at 8 PRC water tankers ang nauna nang idineploy sa nabanggit na ospital para sa pagpapatuloy ng operasyon nito.