PH Table Tennis Team, babawi sa Sea Games

Target ng Philippine Table Tennis Federation na makabawi sa darating na Southeast Asian Games.

Ito ay matapos ang forgettable campaign nito sa 2019 Asian Table Tennis Championship sa Indonesia nitong Setyembre.

Ayon kay Rose Jean Fadol – puspusan na ang kanilang pag-eensayo para makapagbigay ng magandang performance.


Itinuturing nilang advantage na dito gaganapin sa bansa ang torneyo.

Bago ito, tutulak muna ang national team sa South Korea para sa training camp.

Facebook Comments