PH-US Balikatan 2019, pormal nang sisimulan bukas

Aarangkada na bukas ang PH-US Balikatan 2019 joint military exercises na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa hanggang April 12.

Isasagawa ang opening ceremony sa Camp Aguinaldo na dadaluhan ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces.

Ayon kay Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng PH-US Balikatan 2019, isa sa mga highlights ng PH-US Balikatan ay ang live fire drill na gaganapin sa Capas, Tarlac sa April 10.


Bukod dito, magkakaroon din ng amphibious landing exercise sa Zambales.

Magkakaroon din ng urban operations, aviation operations at counter-intelligence response na ang venue ay gagawin sa Palawan at ilang lugar sa Luzon.

Facebook Comments