PH VS IRAN | Line-up ng Team Pilipinas, pinalakas pa

Isinama na sa line-up ng Team Pilipinas sina Christian Standhardinger, Arwind Santos, Jayson Castro at Troy Rosario.

Ito ay para palakasin pa ang national squad sa kanilang magiging laban kontra Iran sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers mamayang gabi sa MOA Arena.

Makakasama nila si Japeth Aguilar, Beau Belga, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, L.A Tenorio, Scottie Thompson at Matthew Wright.


Ayon kay Guaio, pipilitin nilang manalo kung saan sasamantalahin nila ang pagkakataon lalo na at hindi maglalaro ang bigman ng Iran na si Hamed Haddadi kasama ang tatlong ibang players.

Nabatid kasi na may personal na dahilan si Haddadi at napabalitang pumirma na ito ng kontrata sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball League.

Facebook Comments