Umapela ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na huwag magpatupad ng price cap sa mga gamot sa susunod na buwan.
Nabatid na ang price cap ay nakatakdang ipatupad sa Hunyo alinsunod sa Executive Order 104 na nagpapataw ng maximum retail prices sa ilang gamot.
Sa statement, naniniwala ang PHAP na ang pagpapatupad ng price cap ay magdudulot lamang pagbagsak ng government revenues at industrial sales.
Tinatayang nasa ₱28 billion ang mawawalang revenue mula sa customs duties, value added at corporate taxes.
Iginiit din ng PHAP na hindi makikinabang ang publiko dito dahil sa formula na ginamit sa pag-compute ng price adjustments.
Una nang nagbabala ang Pharmaceutical Companies na hindi ibebenta ang ilang gamot lalo na ang mga imported kung itutuloy ang pagpapatupad ng price cap.