Tiniyak ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi) ang kanilang kahandaan sakaling mas maraming COVID-19 patients ang kailangang i-admit sa mga ospital.
Pahayag ito ni Dr. Jose Rene de Grano sa gitna ng naitatalang uptick ng COVID-19 cases, partikular sa Metro Manila.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. De Grano na hindi naman nila isinara ang wards o kama para sa COVID-19 patients.
Nananatili aniya ang mga ito, at handa sakaling kailanganin ng pagkakataon.
Ang mas inaalala aniya nila sa kasalukuyan ay ang kakulangan ng nurses sa mga pribadong ospital, lalo’t base sa kanilang pagtataya ay nasa 40-50% ng kanilang mga nurse ang umalis sa kanilang serbisyo o nagtrabaho sa ibang bansa.
Gayunpaman, mayroon pa rin aniya silang nakalatag na plano, at kailangan lamang aniyang mag-shift ng kanilang healthcare workers mula sa non-COVID, patungo sa COVID-19 areas.