PHAPI, hindi pa alam ang gamot laban sa monkeypox dito sa Pilipinas

Wala pang available na gamot para sa monkeypox dito sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Dr. Rene de Grano, ang presidente ng Philippine Hospital Association of the Philippines Inc. (PHAPI) sa laging handa public briefing kasunod ng isang kaso ng monkeypox na naitala na sa bansa.

Ayon kay De Grano, ang mga pribadong ospital ay sumusunod sa mga patakaran ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagtukoy at pagtugon sa kaso ng monkeypox.


Sa ngayon aniya, importanteng ma-detect o matukoy kung sino ang nagtataglay ng mga sintomas ng monkeypox.

Ayon pa kay De Grano, standard operating procedures ng mga ospital na kapag nakitaan ng sintomas ng monkeypox ang isang indibidwal, kailangan itong agad na mai-isolate, maisa-ilalim sa testing para maipadala agad sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang sample para matukoy kung talagang positibo ito sa monkeypox virus.

Pag nagpositibo ito ay dapat agad iparating sa Local Government Unit (LGU) at magpatupad ng contact tracing.

Ang mga hakbang na ito ayon kay De Grano ay para mapigilan ang pagkalat ng kaso ng monkeypox sa bansa.

Facebook Comments