PHAPI, umapela na bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang ospital na sinasabing nakakuha ng P800,000 pekeng PhilHealth claims

Umapela ang Private Hospitals Association of the Philippines na mabigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ang mga pamunuan ng ospital na sinasabing may pekeng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth claims.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano na dapat hayaan munang magpaliwanag ang mga namumuno sa mga ospital kagaya na lamang ng sa Tricity Medical Center sa Pasig City.

Nauna na kasing napaulat na pinakakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang opisyal at staff ng ospital matapos kumuha ng reimbursement sa PhilHealth sa sinasabing hemodialysis patients kahit patay na pala ang pasyente.


Ayon pa kay De Grano, napakaliit na porsyento lamang nito kumpara sa kasalukuyang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital pagdating naman sa COVID-19 claims.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ng NBI ang hospital administrator, ilang miyembro ng board of directors, at isang staff ng PhilHealth sa Tricity Medical Center.

Facebook Comments