Pinapasapubliko ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) ang listahan ng pharmaceutical companies na umanoy humaharang sa pagpapababa ng presyo ng mga gamot.
Kasunod ito ng impormasyong nakarating kay hontiveros na malakas ang lobby mula sa maraming kumpanyang ito para hindi magtakda ang gobyerno ng maximum drug retail price o price control para sa presyo gamot.
Sasaklawin nito ang 120 gamot sa diabetes, heart diseas, asthma at ilang uri ng cancer.
Giit ni Hontiveros, kailangang mapangalanan ang pharmaceutical companies na mas inu-una pa ang kanilang malalaking tubo at kita sa panahon na kaliwa at kanan ang epidemiya at mga nag-kakasakit.
Ayon kay Hontiveros, malinaw sa itinatakda ng Cheaper Medicines law na maaring gamitin ng gobyerno ang regulatory powers nito para mapababa ang presyo ng gamot kapag “unfair at anti poor” na ito.