Pharmacists at mga midwife, tutulong din sa pagbabakuna

Nilinaw ng Department of Health o DOH na hindi magtuturok ng COVID-19 vaccine ang mga guro, sa oras na maumpisahan na ang mass vaccination sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretery at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na ang mga guro ay hindi magbabakuna at sa halip, sila ay tutulong lamang sa mobilization, information dissemination at iba pang may kaugnayan sa immunization program ng pamahalaan.

Nilinaw rin ni Vergeire na sa ngayon ay wala pa namang pinal na listahan na kasama ang mga teacher sa mga tutulong magturok ng bakuna, pero may mga rekomendasyon.


Sinabi naman ni Vergeire na ang mga pharmacist at midwives ay posibleng makatulong sa pagbabakuna kung saan sila ay sasailalim sa pagsasanay.

Mayroon aniyang batas na sumasaklaw sa pagbabakuna kung sino ang pupwedeng magbakuna at pasok dito ang mga pharmacist at midwives.

Magkakaroon naman ang DOH ng townhall para mabigyan ng impormasyon ang mga pharmacist at midwives, habang makikipag-ugnayan ang DOH sa Professional Regulation Commission o PRC para sa accreditation o certification process.

Facebook Comments