Pharmally controversy, posibleng maulit kung hindi babantayang mabuti ang paggastos sa pondo sa ilalim ng state of national calamity

Ibinabala ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na posibleng maulit ang Pharmally controversy kung hindi babantayan nang mabuti ang paggamit at paggastos sa pondo ng bayan sa ilalim ng idineklarang state of national calamity sa loob ng isang taon.

Tugon ito ng gobyerno sa idinulot na pinsala ng Bagyong Tino, Super Typhoon Uwan at sa mga darating pang kalamidad at iba pang trahedya sa bansa.

Bunsod nito, iginiit ni Diokno sa pamahalaan na isapubliko ang lahat ng transaksyon at magsagawa rin ng independent audit kung papaano ginagamit ang emergency funds sa mga apektadong lokal na pamahalaan.

Iminungkahi din ni Diokno na lahat ng negotiated contract ay ilabas online para masuri ng publiko at huwag i-award sa mga undercapitalized na mga kompanya.

Paliwanag ni Diokno, maaaring mabuksan sa korapsyon ang pinapayagang pagsasagawa ng emergency negotiated procurement sa ilalim ng state of national calamity kung walang itong kaakibat na istriktong transparency at accountability safeguards.

Facebook Comments