Nakaditine na ngayon sa gusali ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Corp. Dir. Linconn Ong.
Si Ong ay inaresto ngayong hapon ng Office of the Senate sergeant-at-arms (OSSA) sa kanyang tahanan habang dumadalo virtually sa ikawalong pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ang pagdinig ay kaugnay sa pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management ng hinihinalang overpriced na pandemic supplies sa kompanyang Pharmally.
Magugunita sa mga naunang pagdinig ay ipinasya ng Senado na ipaaresto si Ong dahil sa umano’y pagsisinungaling, paiba-iba o hindi magkakatugmang sagot sa tanong ng mga senador.
Pero hindi agad naisagawa noon ang pag-aresto dahil siya ay positibo sa COVID-19 kaya isinailalim muna siya sa house arrest ng mga tauhan ng OSSA.
At ngayon ay magaling na siya COVID-19 kaya itinuloy na ang pag-aresto.