Pharmally excutives na sina Mohit Dargani at Linconn Ong, posibleng makulong sa Pasay City Jail hanggang Hunyo 2022

72

Posibleng manatili sa Pasay City Jail sina Pharmally Pharmaceutical Corporation officials Mohit Dargani at Linconn Ong hanggang sa katapusan ng 18th Congress o sa Hunyo 30, 2022.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, ito ay kung hahadlangan pa rin ng mga ito ang imbestigasyon sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng mga dokumentong may kaugnayan sa financial statements ng Pharmally.

Kasabay nito, binigyang diin ni Gordon ang ‘inherent power of contempt ng Senado kaya’t hindi sila dapat lokohin.


Pero kung patuloy na mahihirapan ang Senado dahil sa kakulangan ng impormasyon, tiniyak ng senador na mapapatunayan pa rin nila ang iregularidad sa kompanya sa tulong ng Bureau of Internal Revenue.

Facebook Comments