Pharmally Executive Krizle Grace Mago, mas “confident” sa mga naging pahayag sa Kamara; posibleng kaso, matapang umanong haharapin

Iginiit ni Pharmally Executive Krizle Grace Mago na mas “confident” siya sa mga pahayag ngayon sa Kamara kumpara sa naunang statement nito sa Senado.

Sa nagpapatuloy na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, nakwestyon ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang dalawang magkaibang katotohanang sinabi ni Mago sa Senado at sa Kamara.

Sa mga pagdinig kasi ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ay parehong nanumpa si Mago na magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang ngunit sa naging takbo ng pagdinig sa Kamara ay binawi ni Mago ang mga naunang pag-amin nito sa Senado.


Tugon ni Mago sa tanong ni Gaite, mas kumpiyansa siya sa mga sagot ngayon sa komite ng Kamara dahil pinag-aralan at pinaghandaan niya ang hearing ngayon, sinuri rin niya ang kanyang mga sources at sigurado siya sa kanyang mga sagot.

Natanong din ni Gaite ang mga circumstances bakit sa Kamara siya humingi ng proteksyon at naging sagot ni Mago ay dahil wala siyang undue pressure na nararamdaman.

Matapang namang tiniyak ni Mago na haharapin niya ang consequences sakaling ma-contempt siya o kasuhan ng perjury dahil sa mga magkakaibang pahayag.

Facebook Comments