Tiniyak ng Senado na makakadalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Pharmally Pharmaceutical Corporations Ditector Linconn Ong pero virtually lang o sa pamamagitan ng video conference.
Nabatid mula sa Senate Blue Ribbon Committee na magse-set-up sa Senado ng computer at monitor para sa pagdalo ni Ong sa hearing ng Kamara.
Tugon ito ng Senado sa sulat ni Diwa Party-list Representative Michael Edgar Aglipay na humihiling kay Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na payagan si Ong na humarap sa pagdinig ng Kamara.
Nakasaad sa liham ni Aglipay na ito ay para maliwanagan ang umano’y pagbili ng gobyerno ng overpriced na pandemic supplies.
Si Ong ay naka-detain sa Senado matapos i-contempt dahil sa pagtangging sagutin ang tanong ng mga senador sa pagdinig ukol sa pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pharmally ng hinihinalang overpriced na medical supplies.