Phase 1 ng EDSA rehab, sisimulan na sa susunod na Linggo

Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagsisimula ng EDSA rehabilitation ngayong taon, kung saan sisimulan na ang pagsasaayos sa susunod na linggo, Disyembre 24.

Kumpara sa unang plano na aabutin ng dalawang taon ang rehabilitasyon ng EDSA, gagawin na lamang ito ng DPWH sa loob ng walong buwan.

Hinati rin sa dalawang phase ang gagawing rehab, kung saan unang aayusin ang bahagi mula Roxas Boulevard hanggang Orense.

Natapyasan rin ang inisyal na pondo para sa EDSA rehab, na ngayon ay nasa anim na bilyong piso na lamang, kumpara sa 17 bilyong piso sa unang plano.

Ayon kay Secretary Dizon, magkakaroon lamang ng minimal na disruption sa pagsasaayos ng EDSA. Dahil 24/7 ang pagre-reblocking at pag-ooverlay ng mga aspalto sa northbound at southbound ng EDSA Busway mula Disyembre 24, 11:00 p.m. hanggang Enero 5, 2026, 4:00 a.m.

At mula Enero 5 hanggang Mayo 31 ng susunod na taon, maglalatag na rin ng mga aspalto, lane by lane, simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Ibig sabihin, bukas na ito sa mga motorista mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Hindi na rin gagawin sa bagong plano ang mitigation processes gaya ng number coding at libreng pagdaan sa mga tollway.

Facebook Comments