Phase 1 ng Manila-Clark Railway Project, higit 40% nang tapos

Nasa higit 40% nang tapos ang Clark Phase 1 Project ng Philippine National Railways (PNR).

Ito ay ang segment mula Tutuban, Maynila hanggang Malolos, Bulacan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Tutuban hanggang Malolos Segment ng Manila-Clark Railway Project ay 43% complete mula nitong February 17.


Anila, tuluy-tuloy ang konstruksyon ng proyekto alinsunod sa health at safety protocols.

Ang 38-kilometer PNR Clark Phase 1 ay isa sa tatlong proyekto ng North-South Commuter Railway Project sa ilalim ng Build Build Build Program ng administrasyon.

Sa ilalim ng proyekto, ang Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON ay kokonektahin sa pamamagitan ng railway system.

Facebook Comments