Phase 1 ng North-South Commuter Railway, aarangkada na

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na wala nang hadlang sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project.

Ito’y ayon mismo kay Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang lagdaan nito ang kontrata para sa Phase 1 ng nasabing proyekto o ang Contract Pakage 04 na mag-uugnay sa Solis St. sa Maynila patungong Malolos sa Bulacan

Kasunod nito, hinimok ni Bautista ang contractor ng nasabing proyekto na Hitachi na kumpletuhin ang proyekto sa tamang oras.


Sa panig ng pamahalaan ng Japan, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang kanilang maigting na pagsuporta sa infrastructure development ng Pilipinas.

Unang naisaayos ng DOTr ang ilang mga usapin tulad ng right of way gayundin ang relokasyon para sa mga naapektuhan ng 34.91 kilometrong proyekto.

Gayunman, tanging isinasaayos na lang sa ngayon ani Bautista ang ilang mga usaping bumabalot sa Phase 2 ng naturang proyekto.

Facebook Comments