PHASE 1 NG VETERANS PLAZA SA PANGASINAN CAPITOL GROUNDS, MALAPIT NANG MATAPOS

Nagpapatuloy ang konstruksyon ng Veterans Plaza sa Pangasinan Capitol Grounds, Lingayen.

Ibinahagi ni Governor Ramon Guico III sa kanyang naging mensahe sa paggunita ng 80th Lingayen Gulf Landings at 18th Veterans Day na nalalapit na umano ang pagtatapos ng phase 1 ng naturang proyekto.

Makikita sa Veterans Plaza Ang monumento na nagbibigay pagkilala sa mga sakripisyo ng mga Pilipinong beterano noong kasagsagan ng World war II.

Maliban rito, nagpapatuloy rin ang konstruksyon ng reflective pool.

Umaasa ang gobernador na ang naturang proyekto ay magbibigay ng patuloy na pagpapaalala sa mga Pilipino ng mahahalagang ambag ng kasaysayan na nangyari sa Lingayen Gulf noong World war II. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments