PHASE 1 PARA SA PAGSASAGAWA NG DAANAN SA SITIO MACARIO, POBLACION OESTE, MAY NAKALAAN NA UMANONG PONDO

Mayroon naman na umanong nakalaan na pondo para sana sa phase 1 ng pagsasagawa ng binabahang daanan sa Sitio Macario, Poblacion Oeste, Dagupan City ayon mismo sa punong barangay.

Ayon kay Poblacion Oeste Brgy. Captain, Mark Anthony Gutierrez, naidulog na umano ang naturang panawagan ng mga residente ng ilang beses sa mga kinauukulan at inihayag nito na mayroon na umanong 20 million pesos na pondo para sa phase 1 ng pagsasagawa nito.
Hindi lamang ito maumpisahan dahil kinakailangan pa ng karagdagang pondo para sa mga susunod pang phase na dapat makumpleto upang tuluyan na itong maisaayos.

Hindi lamang umano ang naturang daanan na ito ang dapat sana na maisaayos kung hindi pati na rin ang creek kung saan magandang pagdadaluyan umano sa tubig baha diretso sa bahagi ng flood mitigation.

Nakatakda naman na magsagawa ng konsultasyon ang barangay sa darating na sabado kasama ang mga apektadong residente upang tuluyan na mapag-usapan ang mga isasagawa upang maibsan ang problema ng mga ito tuwing nagkakaroon ng hightide. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments