Phase 2 at 3 ng National Fiber Backbone Plan, aarangkada na ngayong 2025

Masisimula na Phase 2 at Phase 3 ng National Fiber Backbone Plan ng Marcos Administration na malaki ang papel sa BroadBand ng Masa program.

Layon ng proyektong ito na maagbigy ng libreng internet service ng pamahalaan ang mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Information Communication and Technology o DICT Asec. Renato Paraiso na mayroong anim na phase ang proyektong ito.


Ang Phase 1 ng proyekto ay nakumpleto na ng gobyerno na 1,245 kilometers of infostructure stretching mula Laoag, Ilocos Norte hanggang sa Roces, Quezon City.

Ang Phase 2 at 3 naman ay sabay na pinrocure ng pamahalaan, at ipatutupad na kung kaya’t aasahan nila na matapos ito pagsapit ng Marso o Abril ngayong ngayon taon.

Habang ang Phase 4 and 5, ay may 288-million-dollar na pondo na naipinautang ng World Bank at ang Phase 6 kukumpleto sa proyekto mula Regions I, III, IV-B at BARMM.

Facebook Comments