Phase 2 ng Alicia-Angadanan-San Guillermo-Cauayan City By-Pass Road, Natapos na ng DPWH

96

Cauayan City, Isabela- Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang phase 2 ng Alicia-Angadanan-San Guillermo-Cauayan City By-Pass road.

Ang proyekto ay kinabibilangan ng konstruksiyon ng alternate route na may carriageway width na 3.35 m., 0.30 m. thick, shoulder width na 1.50 m., 0.23 m thick.


Ito ay magsisilbing alternate route na magdudugtong sa mga bayan ng Alicia, Angadanan, San Guillermo, Naguilian at Cauayan City.

Tinatayang mababawasan ng 20 minuto ang biyahe mula Alicia hanggang Cauayan City.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P38 milyong piso.

Facebook Comments