Magsisimula na sa Biyernes, October 22, ang phase 2 ng pilot implementation ng pediatric vaccination.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na target na mabakunahan ng pamahalaan dito ang nasa 144,131 na mga kabataan edad 15-17 years old.
Ani Malaya, nananatiling priority ang mga batang may comorbidities.
Ayon pa sa opisyal, nuong nakaraang Biyernes, pawang sa mga Department of Health hospitals lamang isinagawa ang pediatric vaccination pero sa October 22 ay sa Local Government Unit (LGU)-based hospitals naman isasagawa ang pagbabakuna sa mga bata.
Kasunod nito, paalala ni Usec. Malaya sa mga magulang na nais mapasama ang kanilang mga anak sa bakunahan ay makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs.
Magdala lamang ng ID, medical certificate na katunayang may comorbidity ang bata gayundin ng clearance for vaccination na manggagaling naman sa doktor o kanilang attending physician.