Phase 2 ng “Resbakuna sa mga Botika”, sisimulan na ng DOH

Sisimulan na ng Department of Health ang Phase 2 ng “Resbakuna sa mga Botika”.

Kasunod na rin ito ng matagumpay at magandang pagtugon ng publiko sa pilot implementation nitong Huwebes at Biyernes kung pitong botika ang lumahok sa programa.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center, ngayong linggo ay target nilang simulan ang Phase 2 ng “Resbakuna sa mga Botika” sa National Capital Region (NCR)-wide at sa Regions 3 at 4A.


Posible naman aniyang simulan ang Phase 3 ng “Resbakuna sa mga Botika” COVID-19 vaccination drive sa buong bansa sa kalagitnaan ng Pebrero.

Sa unang dalawang araw ng pagsisimula ng programa ay umabot sa kabuuang 1,860 indibidwal edad 18-pataas ang nabigyan ng booster shots.

Bukod sa mga botika, ikakasa na rin ng pamahalaan ang bakunahan sa mga transportation hubs tulad ng pantalan, paliparan at mga terminal ng bus.

Facebook Comments