Sisimulan na sa January 15, 2023 ang Phase 2 ng “Toll Interoperability” Project ng Department of Transportation.
Sa ilalim nito, target na maisakatuparan ng ahensya ang tinatawag na “One RFID Two Wallets” kung saan maaari nang mabasa sa lahat ng expressway sa north at south ang isang RFID.
“Itong mga easytrip card na hawak ng MVP Group of Companies –– NLEX, SCTEX, CAVITEX tsaka yung CALAX, ay pwede nang mag-register at mababasa na sila sa autosweep system ng San Miguel Corporation tollways. Pero dalawang wallet ang gagamitin muna, pansamantala po,” paliwanag ni Corpuz sa interview ng RMN DZXL 558.
Kasagsagan ng pandemya nang unang umarangkada ang Phase 1 ng proyekto kung saan ipinatupad ang 100 percent cashless transaction sa mga toll road.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOTr sa mga toll operator at iba pang ahensya ng gobyerno para sa pagpapatupad ng Phase 3 o ang “One Tag One Wallet” sa 2024.