Phase 3 clinical trial ng COVID-19 vaccine ng Novavax sa US at Mexico, nagsimula na

Nagsimula na ang Phase 3 clinical trial ng COVID-19 vaccine candidate mula sa American Biotech Company na Novavax sa Estados Unidos at Mexico.

Ayon sa National Institutes of Health (NIH), aabot sa 30,000 volunteers ang sasalang sa nasabing trial na pawang may edad na 18 pataas.

Anila, two-thirds sa mga ito ay makakatanggap ng totoong bakuna habang ang one-third ay makakatanggap ng placebo o hindi totoong bakuna.


Nabatid na ito na ang ika-limang investigational COVID-19 vaccine candidate na nakaabot sa Phase 3 trial sa Estados Unidos.

Facebook Comments