Pinag-aaralan na ng Korean vaccine developer na EuBiologics Co. Ltd. ang pagsasagawa ng Phase III clinical trials ng dinevelop nitong COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Ayon sa Korean Embassy sa Maynila, magiging kapalit nito ang pagbibigay ng Eubiologics ng 40 milyong dose ng bakuna sa bansa.
Anila, nakapag-sumite na ng aplikasyon ang Eubiologics sa Department of Science and Technology (DOST) para sa nasabing clinical trial.
Batay sa website ng EuBiologics, nakatuon sila sa pag-develop ng bakuna laban sa global pandemic at paggawa ng bacterial vaccine pipeline kontra sa bagong mga infectious diseases at antibiotic resistance.
Facebook Comments