‘Phenomenal’ post-Brexit trade deal, pangako ni Trump sa UK

Nangako si US President Donald Trump sa Britain ng isang ‘phenomenal’ post-Brexit trade deal.

Sa isang news conference kasama si British Prime Minister Theresa May, sinabi ni Trump na mayroong “greatest alliance the world has ever known” ang US at UK.

Dagdag pa ni Trump na nakatalaga na lahat maging ang National Health Service o NHS.


Ayon kay May, ang mga saklaw ng trade talks ay napagkasunduan na ng dalawang bansa.

Ipinagmalaki rin ng outgoing Prime Minister na naging mahusay ang mga hakbang upang umusad ang Brexit negotiations.

Inaasahang magkakaroon ng kasunduan na magpoprotekta sa intelligence sharing sa kabila ng kanilang disagreement patungkol sa Huawei – ang Chinese mobile internet infrastructure company na itinuturing ng Amerika na banta sa national security.

Facebook Comments