Phil. Army, aminadong may nilabag ang 9th ID sa pagpapalabas ng mga edited na litrato ng mga sumukong rebelde

Aminado ang Philippine Army na may nilabag na polisiya ang 9th Infantry Division pagdating sa paglalabas ng “manipulated” na litrato ng mga sumusukong rebelde.

Ayon kay Philippine Army Commanding General, Lt/Gen.  Gilbert Gapay – partikular na nalabag ang polisya para sa press release at paggamit ng social media.

Iginiit ni Gapay na isang “honest mistake” ang nangyari.


Tiniyak niya na pananagutin ang mga responsable sa mga naturang paglabag.

Una nang sinabi ni 9th ID spokesperson, Major Ricky Aguilar na wala silang intensyong linlangin ang publiko, nais lamang nilang protektahan ang pagkakakilanlan ng mga dating rebelde.

Nabatid na nasa 306 NPA fighters ang sumuko sa Masbate.

Facebook Comments