Handa na ang Philippine Army para sa isasagawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Miyerkules (February 6).
Isasagawa ang ikalawang round ng plebisito sa North Cotabato at Lanao del Norte.
Sabi ni 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin John Encinas, sa ngayon ay wala naman silang natatanggap na anumang impormasyon na mayroong banta sa plebisito sa North Cotabato.
Ayon naman kay Western Mindanao Command Spokesman Colonel Gerry Besana, nakatutok na ang mga tropa ng pamahalaan sa Lanao del Norte para matiyak ang ligtas na pagdaraos ng BOL plebiscite.
Dagdag pa nito, mahigpit ding binabantayan ng Westmincom ang galaw ng mga Maute-ISIS na nananatiling banta sa ilang lugar sa lalawigan.
Facebook Comments