MINDANAO – Maglalagay ang Philippine Coast Guard ng mga sea Marshall sa mga dumadaang barko sa Moro Gulf sa Mindanao.Ang desisyon ng PCG ay kasunod ng isinagawang pagpupulong mga kinatawan ng Philippine Inter Island Shipping Owners Association at Philippine Ship Liners Association makaraang atakihin ng mga pirata sa isang fishing boat na ikinamatay ng walong mangingisda sa Siromon Island, Zamboanga City.Ayon kay coast guard officer-in-charge Commodore Joel Garcia – nais nilang mas paigtingin ang ipinapatupad na seguridad sa mga barko na dumadaan sa bansa.Bukod rito, nakikipag-ugnayan rin ang PCG sa Armed Forces of the Philippines at sa Philippine National Police para sa mas maigting na security measures.Noong unang linggo lamang ng Enero, 2 cargo vessel ang tinangkang i-hijack sa bahagi ng Matanal Island sa Basilan.
Phil. Coast Guard – Maglalagay Ng Mga Sea Marshall Sa Moro Gulf Sa Mindanao
Facebook Comments