Phil Red Cross, nakaalerto na kasunod ng pag-aalburuto ng Taal volcano

1633

Nakaalerto na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasunod ng phreatic eruption ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Philippine Red Cross Chairman Senador Richard Gordon, handa na ang anim na ambulansya, rescue trucks at limang multi-purpose vehicle ng PRC batangas at Cavite chapters.


 

Naka-full alert status na rin ang Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Talisay para sa posibleng rescue operations.

 

Una rito, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa mga bayan ng Balete, Talisay at San Nicolas, Batangas kasunod ng pag-aalburuto ng bulkan.

 

Mula alert level 1, itinaas na ng Phivolcs sa alert level 2 ang status sa bulkang Taal.

Facebook Comments