Phil Younghusband, naniniwalang pagkakataon ng mga bagong Azkals na ipakita ang kanilang galing kontra Yemen

Sports – Dahil anim na beteranong player ang wala sa line-up, naniniwala si Phil Younghusband na ito ang magandang pagkakataon na ipakita ng mga bagong Azkals ang kanilang galing at pagnanais na bigyan ng karangalan ang bansa.

Paliwanag ng Azkals team captain, malaking kawalan sa koponan ang pagkaka-injure ni Manny Ott kaya naman kailangan ng mga player na kayang punan ang puwesto nito sa laban kontra Yemen sa Martes.

May limang bagong Azkals sa line-up pero hindi pa matiyak kung sino kina Sean Kane, Dylan De Bruyker, Jhan Jhan Melizza, Harry Foll at Curt Dizon ang puwedeng pumasok sa first 11 ng Azkals.


Kailangang manalo ang Philippine Azkals kontra Yemen para makapasok ang Pilipinas sa Asian Cup sa unang pagkakataon.

Facebook Comments