Philadelphia 76ers at Toronto Raptors, tie na sa Semi Final ng NBA Eastern Conference Playoffs habang Houston Rockets Guard Chris Paul, pinagmulta

Naitabla ng Philadelphia 76ers ang serye nila ng Toronto Raptors sa nagpapatuloy na Semi-Finals ng NBA Eastern Conference.

Sa iskor na 94-89 wagi ang Philadelphia sa pangunguna ni Kawhi Leonard na nagpasok ng 35 points at 30 points naman mula kay Jimmy Butler.

Ayon kay 76ers Coach Brett Brown, masusi nilang pinag-aralan ang kanilang strategy para matalo ang depensa ng Raptors.


Sa Western Conference naman pinatawan ng 35,000 US Dollars (P1,820,000) na multa ng NBA si Rockets Guard Chris Paul matapos nitong komprontahin ang isang game official sa kasagsagan ng laban ng Golden State Warriors at Houston Rockets Kahapon.

Gayunman, hindi siya sinuspinde sa mga susunod na laban ng Rockets.

Nabatid na natalo ang Rockets laban sa Warriors, 104 -100.

 

Facebook Comments